nito lang

nitong nakaraang linggo, wala akong ginawa. nakahiga lang ako magdamag nuong sabado. natulog ng natulog… inumaga na rin kasi ako nakarating nung sabado; lakas ng ulan nung biyernes, nag kayayaang matulog sa condo ng kaibigan ko. nde naman talaga natulog, nagkwentuhan magdamag. nung bata pa kami, naglalaro sa ulan. sya yung kababata ko sa kalookan. kaaway sa sumpak at holen, madalas pa ngang kasama ang kuya ko. pagnatatalo ako sa teks, kuya ko ang babawi para sa akin. bawi-bawi lang. dami pa naming pinag kwentuhan, yung college kami. mga classmates namin na nasa u.s. na, mga maagang nag asawa. nde namin namalayan na ala-7 na pala ng umaga at nakaubos kami ng 10 bag ng tsaa. nag-agahan kami sa coffee bean. syempre nde tsaa ang inorder ko, isang malaking tasa ng kape at tinapay na may asukal na mamahalin. kwentuhan pa ng konti. nakarating na ako sa bahay ng pasado alas-12.

natulog lag ako buong hapon. ang nanay ko naman nagpa-salon. sarap ng tulog ko. walang istorbo. nag lagay ako ng DND (do not disturb) sa pintuan para talagang walang pumasok. ang yaya ko kasi may kopya ng susi ng kwarto. nagising na ako ng mga ala-6 ng gabi. katulad ng kinaugalian, nag check ako ng telepono. may hinihintay kasi akong text, kaso wala pa. nainis ako. kasi sinira ang plano ko. ayoko ng ganon, ayokong nasisira plano ko. porke ka pang nagplano tapos masisira lang. nasira si plano, kaya nung linggo nag yoga ako. nag yoga ako ng 3 oras. o san ka pa!?!? lahat ng inis ko ay binaling ko sa yoga. noong araw na yon na pagtanto ko na kaya ko pala. nde ako makalakad pag katapos pero kaya ko. pagkatapos ng walang humpay ko ng pag yo-yoga, nag kape ako sa paborito kong kapihan sa isang malaking mall sa malapit sa amin. umorder ako ng isang malaking tasa ng kape at tinapay na may palaman na corn beef. wala akong makagawa, nagbasa ako ng bagong novel ni timothy james beck. wala lang, andami ko kasing librong nakapili na dapat basahin so umpisahan ko na ngayon. mga al-7 pasado na ng mapansin kong madilim na sa labas. nag paalam ako sa manager ng kapihan, suki kasi ako dito at naging kaibigan ko na sila, at umuwi na sa bahay.

Advertisements

2 thoughts on “nito lang

  1. Pingback: big baby « soul train, sole train

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s